FAQ

Mga pangkalahatang tanong

Ano ang mga opsyon at paano ako magte-trade sa mga ito?

Ang isang opsyon ay isang tool sa stock market para sa pagkita ng pera sa pamamagitan ng paghula sa kung bababa ba o tataas ang presyo ng isang asset. Maaaring kumita ng pera ang mga trader kung tumaas lang ang presyo ng 1 puntos. Para sa higit pang impormasyon, tingnan ang seksyong "Paano magsimula."

Paano ako magsisimulang mag-trade?

Dapat kang magrehistro sa aming website: OLYMPTRADE.COM.

Pagkatapos na pagkatapos ng pagrehistro, awtomatikong binubuksan ang isang trading account, at maaari kang magdeposito. Sa OLYMPTRADE, ang minimum na halaga ng pag-trade ay $1 / €1, at ang minimum na pagdeposito ay $10 / €10.

Ang mga opsyon ay isang tool na simple lang para sa mga baguhan.

Binubuo lang ng ilang hakbang ang algorithm sa pag-trade:

  1. Pumili ng asset.
    Sa OLYMP TRADE, may access ka sa mga sumusunod na asset: EUR/USD, USD/JPY, GBP/USD, USD/CHF, USD/RUB, AUD/USD, EURRUB, USD CAD, EUR JPY, EUR CHF, Bitcoin, Apple, Boeing, Facebook, Google, IBM, Tesla, Coca-Cola, McDonald's, Microsoft, Visa, Starbucks, MGA COMMODITY, pilak, ginto, BRENT, DAX, S&P 500, NASDAQ, Dow Jones, AUD/CAD, AUD/CHF, AUD/JPY, AUD/NZD, CAD/CHF, CAD/JPY, СHF/JPY, EUR/AUD, EUR/CAD, EUR/GBP, EUR/NZD, GBP/AUD, GBP/CAD, GBP/CHF, GBP/JPY, GBP/NZD, NZD/CAD, NZD/CHF, NZD/JPY, NZD/USD, USD/SGD, USD/MXN, USD/NOK, USD/CLP, natural na gas (NG), tanso, platinum, CAC 40, EURO STOXX 50, Hang Seng Index, Nikkei 225, RUSSELL 2000, FTSE 100, BMW, Nintendo.
  2. Magpasya kung magkano ang ii-invest mo.
    Mag-iiba-iba ang iyong pag-payout depende sa iyong investment. Kung matagumpay kang magbukas ng isang opsyon, maaaring umabot ang kita mo nang 93%. Direktang nakadepende ang kita mo sa pagiging volatile ng market. Kung mas mataas ang pagiging volatile, mas mataas din ang iyong kita.
  3. Itakda ang oras pagkatapos ng mapapatunayang tama ang iyong hula (oras ng pag-execute).
    Sa OLYMPTRADE, may mga hanay ka ng panahon na mula isang minuto hanggang 3 oras.
  4. Magdesisyon kung tataas ba o bababa ang presyo ng asset at pindutin ang alinman sa button na Up (kung sa tingin mo ay tataas ang presyo), o sa button na Down (kung sa tingin mo ay bababa ang presyo)
  5. Hintaying mag-expire ang trade.

Paano ko ide-delete ang aking account?

Maaari lang i-block ang account. Para i-block ang iyong account, kailangan mong makipag-ugnayan sa departamento ng suporta sa mga kliyente sa support-en@olymptrade.com o maaaari kang tumawag sa amin sa: +357 22007136

Ano ang pagiging volatile ng market?

Ang volatility ay ang pagbabago-bago sa pagiging volatile – hindi matatag at pagbabago-bago sa presyo sa palitan sa loob ng isang partikular na yugto ng panahon. Isa ibang salita: isa itong istatistikal na indicator pampinansyal ng pagbabago-bago sa presyo. Para sa mga trader, napakahalagang indicator nito, dahil, kapag pumipili ng asset, kailangang malaman ng isang trader kung saang mga pagtaas-baba ito sumasailalim. Dahil sa volatility figure nagiging posibleng i-assess ang panganib sa pag-invest sa isang partikular na asset. Kung mas volatile, mas mataas ang panganib. Kasabay nito, dahil sa volatility figure, nagiging posible rin para sa trader na tantyahin ang patensyal na kita.

Ano ang oras ng pagpapatupad ng opsyon (oras ng pag-expire)?

Ito ang yugto ng panahon, sa dulong bahagi nito awtomatikong sinasara ang trade, ibig sabihin, isinasagawa ito. Sa OLYMPTRADE, maaari kang pumili ng mga hanay ng oras mula 1 minuto hanggang 3 oras.

Pakitandaang maaari mo mismong kanselahin ang isang trade. Kung malaman mong mali ang iyong hula at maling direksyon ang tinutumbok ng chart pagkatapos mai-execute ang isang pag-trade, maaari mong kanselahin ang iyong trade at iwasan ang lubusang pagkalugi ng iyong investment. Sa seksyong "Mga Trade Ko" (sa column na Pagbenta) maaari mong makita ang halaga ng pag-refund kung nakansela ang isang trade (maaari mong mabawi ang hanggang 120% ng investment depende sa kung kailan nakansela ang trade). Kung ayaw mong magkansela ng isang trade, kailangan mong mag-click sa button na may halaga ng return at pagkatapos ay kumpirmahin ang maagang pagbenta.

Ano ang mga asset?

Kasama sa mga asset ang mga pares ng currency, stock, index, at commodity. Ang mga batayang asset na ito ang pundasyon ng alinmang opsyon. Kapag nagte-trade ka sa mga opsyon, maaari kang mag-trade sa mga pares ng currency, mga commodity (ginto, langis), mga pangunahing index sa stock exchange at mga stock. Maaari mong suriin ang kumpletong listahan ng mga asset at ang oras ng pag-trade para sa bawat isa sa mga ito sa angkop na seksyon ng aming site na Mga Asset».

Ano ang pagiging liquid ng asset?

Ang liquidity ay ang kapasidad ng asset na maibenta nang mabilis na may minimum na pagkaluging kaugnay ng bilis ng pagbenta. Sa ibang salita, ang ibig sabihin ng liquid ay ang kakayahang ma-convert sa pera. Ang mga currency ang pinaka-liquid na asset. Ang pumapangalawa sa pagiging liquid ay ang mga gilt-edged na security. Sa market ng mga security, direktang nakadepende ang pagiging liquid sa volume ng pag-trade para sa isang asset at sa bilang ng kasalukuyang mga alok sa pagbili at pagbenta. Pumapangatlo ang mahahalagang metal. Ang mga metal gaya ng ginto, pilak, platinum at palladium ay mga exchanged-traded commodity. Tinutukoy ang presyo ng mga ito sa mga center ng pandaigdig na trade, sa New York at London. Ang mga bara ng mga metal na ito ay potensyal na mabenta anumang oras at nang may mga minimal na pagkalugi.

Kung mas liquid ang asset, mas kaunti ang panganib nito para sa investor.

Ano ang mga opsyong call at put?

Ang call option ay binibili kapag naniniwala ang trader na mas mataas ang magiging presyo ng napiling asset kapag isinagawa ang opsyon kaysa nang bilhin ito.

Ang put option ay binibili kapag naniniwala ang trader na mas mababa ang magiging presyo ng napiling asset kapag naisagawa ang opsyon kaysa nang bilhin ito.

Maaari mong alamin ang mga kahulugan ng ibang mahahalagang termino ng opsyon sa "Mga Termino".

Ano ang isang trading system?

Ito ay isang system ng ilang component na tumutulong sa trader na magdesisyon kung magbubukas ba ng trade o hindi. Kasama sa system ang isa o higit pang tool sa analysis (fundamental, teknikal, grapikal na analysis), mga partikular na kondisyon para sa paggamit sa mga ito, mga panuntunan ng pamamahala ng pera at mga ugaling sikolohikal. Trading Strategy - isang algorithm na gumagamit ng mga indicator at iba pang tool pang-analysis at hanay ng mga partikular na panuntunan para sa pag-execute ng mga trade gamit ang mga ito. Kasama ang trading strategy (estratehiya sa pag-trade) sa trading system.

Maiwawala ko ba ang aking deposito kung tugma ang presyo ng pagkakabili sa presyo ng pagsasakatuparan (fulfillment)?

Hindi nawala ang deposito; sa sitwasyong ito, ibinalik ang halaga ng opsyon sa trader.

Mga tanong sa pinansyal

Paano ko kakalkulahin ang aking kita?

Ang kita mo mula sa isang trade ay maaaring umabot nang 93% ng halaga na na-invest. Direktang nakadepende ang kita sa porsyento ng return. Kung mas mataas ang rate ng return, mas mataas din ang iyong kita.

Nakadepende ang rate ng return sa ilang salik:

  1. Ang nangyayari sa market (pagiging volatile, pagiging liquid)
  2. Balanse sa loob ng kumpanya. Tinutukoy ng awtomatikong algorithm ng panganib ang bilang ng mga binuksang trade sa pagbili at pagbenta ng bawat asset. Ang bilang ng mga seller at buyer na kadalasang balanse. Kapag mas mabigat ang isang panig, hinahati ng Kumpanya ang profitability para sa asset na hindi balanse para mabawi ang mga gastos. Pero sa anumang sitwasyon, buong ibinabayad sa kliyente ang kita mula sa mga matagumpay na pag-trade.

Magkano ang minimum na halaga sa pagdeposito?

Ang minimum na halaga ng pagdeposito ay $10 / €10 &.

Ano ang minimum na halaga ng pag-trade?

Ang minimum na halaga ng pag-trade sa aming platform sa pag-trade ay $1 / €1.

Mayroon bang anumang bayarin para sa pagdeposito o pag-withdraw ng pondo?

Hindi, inaako ng OLYMPTRADE ang lahat ng komisyon.

Paano ako magdeposito?

Para makapagdeposito sa iyong account, kailangan mong piliin ang seksyong «Deposito» sa iyong Dashboard, piliin ang paraan ng pagbabayad, punan ang halaga ng idedeposito ($10 / €10 ang minimum), at pagkatapos ay mag-click sa button na Magdeposito. Aalukan ka ng bonus sa pagdeposito. Kung ayaw mong tanggapin ang bonus na ito, dapat mong i-click ang button na “Kanselahin ang bonus” at sundin ang mga tagubilin.

Maaari ko bang gamitin ang aking bank card para magdeposito?

Oo, sa OLYMPTRADE maaari kang magdeposito gamit ang isang bank card.

Paano ako makakapag-withdraw ng pondo?

Para mag-withdraw ng pondo, kailangan mong magsumite ng kahilingan sa iyong Dashboard. Pumunta sa seksyong “Pag-withdraw,” piliin ang paraan ng pag-withdraw, punan ang halaga at i-click ang “Isumite ang kahilingan.”

Ang maximum na tagal ng pag-withdraw ay 5 araw ng negosyo, bagaman lagi naming susubukang isagawa ang iyong kahilingan nang mabilis hangga’t maaari. Kadalasan, 90% ng mga kahilingan ay pinoproseso sa loob ng 24 na oras o sa susunod na araw ng negosyo.

Mga paraan ng pag-withdraw

Maaari ka lang mga-withdraw ng pondo sa source na ginamit mo sa pagdeposito. Ang listahan ng mga available na paraan sa pagdeposito at pag-withdraw ng pondo ay makikita mo rito: https://olymptrade.com/cabinet#tab=recharge

Magkano ang minimum na halaga sa pag-withdraw?

Ang minimum na halaga sa pag-withdraw ay $10 / €10 depende sa currency sa iyong account.

Platform sa pag-trade

Ano ang isang platform sa pag-trade?

Kombinasyon ito ng hardware at software na nagbibigay-daan sa mga user (mga trader) na mag-trade at nagbibigay sa mga ito ng access sa impormasyon tungkol sa mga market pampinansyal.

Kailangan ko bang mag-download ng anumang software sa aking PC sa pag-trade?

Hindi, ang dapat mo lang gawin ay ang magbukas ng isang account sa site ng OLYMPTRADE

Paano ko makikita ang aking history sa pag-trade?

Maaari mong tingnan ang history ng iyong pag-trade sa iyong Dashboard sa seksyon "Mga Trade".

Ano ang oras na ipinapakita sa platform?

Ang oras na ipinapakita sa platform ay ang oras ng user (ayon sa iyong time zone).

Bakit hindi agad nagbubukas ang trade?

Karaniwang tumatagal nang ilang segundo para matanggap ang data mula sa server, kaya hindi agad bumubukas ang trade. Kadalasang tumatagal ang prosesong ito ng 4 na segundo.

Paano ko isasara nang maaga ang isang trade?

Sa platform ng Olymp Trade, maaari kang magsara ng isang trade bago ang oras ng pag-expire ng opsyon. Nakadepende ang pag-refund sa pagbabago sa presyo ng asset. Kung mas aktibo ang galaw ng chart ng presyo sa direksyon ng trade na pinili mo, mas malaki ang refund kapag nabenta ang opsyon. Kung gumalaw ang chart ng presyo nang taliwas sa iyong hula, maaaring bumagsak ang halaga ng refund sa zero. Maaaring umabot ang maximum na refund hanggang sa 120% ng investment. Hanggang 100% para sa mga asset na cryptocurrency. Sa pamamagitan ng pagbebenta ng trade, maaari kang makakuha ng hanggang 20% na net na kita nang hindi na naghihintay sa oras ng pag-expire. Magiging hindi aktibo ang mga function sa trade sa pagbebenta kung wala nang 1/6 ng oras ang natitira bago ang pag-expire.

Ano ang gagawin ko kung magkaroon ng error sa server habang nilo-load ko ang platform?

Kung may mga teknikal na error, una sa lahat, inirerekomendang i-cleanup ang cache at cookies sa iyong browser. Dapat mo ring tingnan na ang pinakabagong bersyon ng naka-install na browser ang ginagamit. Kung hindi nakatulong ang mga pagkilos na ito at pagre-reload sa page at hindi pa rin nalulutas ang error, makipag-ugnayan sa departamento ng teknikal na suporta.

Anong oras ng araw ang itinuturing na pinakaaktibong oras ng pag-trade?

Nakadepende ang aktibidad ng pag-trade sa currency sa oras ng operasyon ng mga pangunahing silid ng pag-trade at tumataas kapag lumabas ang malalaking balita sa ekonomiya. Ang mga pinakaaktibong sesyon ng pag-trade ay ang sesyon ng Europe at America, kaya, halimbawa, tumatagal ang sesyon ng Europe mula 6:00 am hanggang 3:00 pm UTC. Tumatagal ang sesyon ng US mula 1:00 pm hanggang 10:00 pm UTC.

Pakitandaang nagaganap ang pag-trade sa pares ng currency na USD / RUB mula 7:00 am hanggang 5:00 pm UTC.

Mayroon bang demo account?

Nag-aalok kami ng demo account na may 10,000 virtual unit ng iyong currency para masuri mo ang mga benepisyo ng aming platform sa pag-trade.

Ano ang minimum na halaga ng pag-trade?

Ang minimum na halaga ng pag-trade sa OLYMPTRADE ay $1 $ / €1 & (depende sa currency ng iyong account).

Ano ang maximum na halaga ng pag-trade?

Ang maximum na halaga ng pag-trade ay $2000 $ /€2000 (depende sa currency ng iyong account).

Ang maximum na halaga ng pag-trade para sa mga VIP na kliyente ay $5000 $ / €5000 & (depende sa currency ng account).

May anuman bang limit sa mga posisyon?

Ang maximum na pag-trade bawat instrumento para sa mga regular na kliyente ay $10,000 / €10,000 & (depende sa currency ng account).

Ang maximum ng pag-trade bawat instrumento para sa mga VIP na kliyente ay $10,000nbsp;/ €10,000 & (depende sa currency ng account).

Ang maximum na halaga ng pag-trade sa lahat ng asset sa pag-trade para sa lahat ng user ay $20,000 / €20,000 & (depende sa currency ng account).

Ano ang line chart?

Ito ay isang uri ng tuloy-tuloy na chart na batay sa feed ng presyo. Kinakatawanan ng chart na ito ang linear na kaugnayan sa palitan ng mga quote na patuloy na nagbabago para sa mga exchange-traded na asset. Online na na-plot ang chart.

Ano ang candlestick chart?

Ito ay isang uri ng chart na gumagamit ng mga Japanese candlestick sa pagbubuo nito. Bumubuo ito ng mga anyong candlestick batay sa data para sa isang partikular na agwat ng oras (time frame). Halimbawa, ang isang kandilang may 15 segundong time frame ay nangangahulugang nabuo ang kandila sa loob ng 15 segundo at magsisimula ang isang bagong kandila pagkatapos ng yugtong ito.

May tatlong uri ng kandila:

  1. Ang berdeng kandila ay nangangahulugang tumaas ang presyo sa loob ng yugtong ito.
  2. Ang pulang kandila ay nangangahulugang bumaba ang presyo sa loob ng yugtong ito.
  3. Ang hindi nabuong kandila ay nangangahulugang hindi nagbago ang presyo sa loob ng yugtong ito.

Ang candlestick chart ay kapaki-pakinabang para sa teknikal na analysis.

Ang ang mga kandilang Heiken Ashi?

Ang mga kandilang Heiken Ashi ay isang indicator na nag-oorganisa sa candlestick chart, bumabawas sa mga pagtaas-baba ng presyo at gumagawa sa chart na maging mas malinaw at mas nakakapagbigay-kaalaman. Kapaki-pakinabang at popular ito na instrument sa mga modernong trader.

Gumagamit ang Heiken Ashi ng espesyal na formula na naglalaman ng:

  • Ang open level ng Heiken Ashi - ang average na halaga ng mga pagbubukas at pagsasarang presyo ng nakaraang karaniwang kandila (Close + Open)/2
  • Ang close level - ang average na halaga ng mga mataas, mababa, pagbubukas at pagsasarang presyo ng kasalukuyang kandila (Min+Max+Open+Close)/4;

Kung gayon, ang high ang pinakamataas na halaga sa mga pagbubukas, pagsasara at mataas na presyo ng kasalukuyang kandila; ang low ang pinakamababang value sa mga pagbubukas, pagsasara at mababang presyo ng kasalukuyan kandila.

Ang Heiken Ashi ay mayroon ng mga sumusunod na uri:

  1. Berdeng kandila na walang mas mababang anino - malakas na pataas na paggalaw
  2. Berdeng kandila na may anino - kadalasang lumalabas sa simula o sa dulo ng pataas na galaw
  3. Kandilang may maliit na katawan at mahahabang anino sa magkabilang panig - ipinapakita nito ang posibleng pagbalik ng trend.
  4. Pulang kandila - kadalasang lumalabas sa simula o sa dulo ng pababang paggalaw
  5. Pulang kandila na walang anino sa itaas - malakas na pababang paggalaw

Ang pangunahing disbentaha ng Heiken Ashi indicator ay ang lag sa hulihan ng chart ng presyo.

Ano ang time frame?

Ito ay isang time scale ng mga presyo sa platform ng pag-trade. Kung pipiliin mo ang isang time frame na 10 minuto sa line chart, makikita mo ang bahagi ng chart ng presyo sa nakalipas na 10 minuto. Kung pipiliin mo ang isang "5 minuto" na time frame sa Japanese candlestick chart, ipapakita ng bawat kandila kung paano nagbago ang presyo sa loob ng yugtong ito (kung tumaas ito, magiging berde ang kandila; kung bumaba, magiging pula ito).

Ang mga sumusunod na agwat ng panahon ay ang ginagamit sa platform: 15 segundo, 1, 5, at 15 minuto.

Ano ang zoom?

Ang zoom ay isang karagdagang feature ng chart na tumutulong sa iyong gumamit ng mas malaking halaga ng historical data sa loob ng 24 na oras. Binibigyang-daan ng feature na ito ang trader na mag-scroll pabalik sa history ng chart para sa isang partikular na panahon, mag-zoom in at mag-zoom out mula sa isang partikular na segment ng chart. Kailangan ang zoom na pag-scroll para sa teknikal na analysis, na ang tunguhin ay ang maghanap ng mga pattern sa historical period ng chart. Sa OLYMP TRADE, nasa ilalim ng quotes chart ang zoom.

Ano ang isang walang panganib na pag-trade?

Halimbawa: ang limit sa pag-trade na walang panganib ay $100. Ang ibig sabihin nito, pagkatapos ng pag-activate, maaari kang magbukas ng trade na hindi lalampas sa 100 USD. Kung mali ang iyong hula, ibabalik namin ang hanggang 100 USD sa iyong account sa pag-trade.

Maaari kang mag-activate ng isang trade na ang halaga ay wala pa sa limit ng pag-trade na walang panganib. Halimbawa: ang limit sa pag-trade na walang panganib ay $100. Na-activate mo ang pag-trade na walang panganib, pero 80 USD ang inilagay mo sa "halaga ng pag-trade." Kung mali ang iyong hula, ibabalik namin ang hanggang 80 USD sa iyong account. Gayunpaman, hindi ibabalik ang pagkakaiba sa pagitan ng limit ng pag-trade na walang panganib at ng piniling halaga ng trade.

Pag-verify

Kailangan ko bang ma-verify?

Batay ang pag-verify ng kliyente sa kahilingan ng Kumpanya. Kung kailangang sumailalim ang Kliyente sa pag-verify, makikipag-ugnayan ang Kumpanya sa Kliyente at magpapadala ng mensahe sa email na inilagay sa pagrehistro. Bilang panuntunan, hinihiling ang mga sumusunod na dokumento para mag-verify ng isang Kliyente:

  • May kulay na kopya (scan/larawan) ng nakabukas na pahina ng pasaporte o ID card;
  • Isang "selfie" ng Kliyente na hawak ang pasaporte (isang larawan kung saan hawak ng Kliyente ang nakabukas pasaporte at kung saan kuha ang mukha at data ng pasaporte);
  • Kumpirmasyon ng paraan ng pagbabayad na ginagamit sa account sa pag-trade.

Saan ko ipapadala ang mga dokumento?

Sa pagtanggap sa kahilingan sa pag-verify, dapat ipadala ang lahat ng kailangang dokumento sa e-mail na kyc@olymptrade.com kasama ang login (ang login ay ang email address na tinukoy ng kliyente nang magrehistro).

Gaano katagal ang inaabot ng pag-verify?

Umaabot ang pagproseso ng mga dokumento na ipinadala ng Kliyente nang hanggang limang araw ng negosyo.

Paano ko malalaman ang resulta ng pag-verify ng dokumento?

Tatanggap ang kliyente ng email na abiso batay sa mga resulta ng pag-verify.