Mga Asset

Mga pares ng currency

EUR/USD

Halaga ng 1 euro
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/USD chart ang kasalukuyang halaga ng euro laban sa US dollar sa mga market pampinansyal.

Ang EURUSD ay isa sa mga pinakaaktibong pares ng currency ; ang pangunahing feature nito ay ang mataas na pagiging volatile, ibig sabihin, madalas na nagbabago ang halaga ng palitan, na nagbibigay-daan sa mga aktibong trader na kumita ng pera. Sa dahilang ito, malaki ang interes sa EUR/USD ng mga baguhan at propesyonal.

USD/JPY

Halaga ng 1 US dollar
sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/JPY chart ang kasalukuyang halaga ng US dollar laban sa Japanese yen sa mga market pampinansyal.

Bago ang 6:00 am UTC, ang pares ng currency na USDJPY ay napakasensitibo sa anumang pulitikal o ekonomical na pangyayari sa Japan; at, dahil sa nagsisimula nang 12:00 pm UTC, naiimpluwensyahan ito ng mahahalagang balita sa US. Para mahulaan ang mga eksaktong oras ng biglaang paggalaw ng presyo, dapat mong sundan ang mga update sa kalendaryong pang-ekonomiya ng Olymp Trade.

GBP/USD

Halaga ng 1 pound sterling
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng GBP/USD chart ang kasalukuyang halaga ng mga pound sterling laban sa US dollar sa mga market pampinansyal.

Kapag nagte-trade sa GBP/USD, magtuon ng pansin sa mga balita sa UK na may 3 «bull heads» sa kalendaryong pang-ekonomiya. Ang pinakaaktibong oras para sa pag-trade ay nagsisinula sa 7:00 am UTC, kapag nagbukas ang London Stock Exchange. Ang mga pinakabiglaang pagbaba-taas ay mula sa 9:00 am hanggang 10:00 am UTC, kapag inilabas ang pangunahing data sa mga istatistika ng UK.

USD/CHF

Halaga ng 1 US dollar
sa Swiss franc

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/CHF chart ang kasalukuyang halaga ng Swiss franc laban sa US dollar sa mga market pampinansyal.

Kapag naghahanda kang mag-trade sa USD/CHF, magtuon ng pansin mahahalagang balitang pang-ekonomiya mula sa USA at Switzerland, gaya ng pagbabago sa mga interest rate, mga Non-Farm Payroll, pagbabago sa bilang ng kawalan ng trabaho, CPI at quarterly na GDP data.

USD/RUB

Halaga ng 1 US dollar
sa Russian ruble

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
7:00 am — 6:00 pm UTC

Ipinapakita ng USD/RUB chart ang kasalukuyang halaga ng mga ruble laban sa US dollar sa mga market pampinansyal.

Nagsisimula ang pag-trade sa USD/RUB nang 7:00 am UTC, kapag nagbukas ang Moscow Stock Exchange, nagtatapos nang 6:00 pm UTC. Kapag nagsasagawa ng isang trade, magbigay ng pansin sa mga balita sa industriya ng langis sa Russia, America at Europe.

AUD/USD

Halaga ng 1 Australian dollar
laban sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng AUD/USD chart ang kasalukuyang halaga ng US dollar laban sa Australian dollar sa mga market pampinansyal.

Malaki ang impluwensya sa AUD/USD ng mga presyo ng industriyal na metal sa USA at ng mga lagay ng panahon sa Australia. Kung may tagtuyot, malakas na hangin, pagbaha o pagbagsak sa mga presyo ng mga metal, malaki ang ibinababa ng halaga ng palitan para sa pares.

EUR/RUB

Halaga ng 1 euro
sa Russian ruble

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
7:00 am — 6:00 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/RUB chart ang kasalukuyang halaga ng mga euro laban sa ruble sa mga market pampinansyal.

Nagsisimula ang pinakaaktibong pag-trade mula 07:00 am UTC, kapag nagbukas ang mga stock exchange sa Russia at Europe. Kapag humuhula ng galaw ng presyo, magtuon ng pansin sa mga presyo ng commodity at sa deficit sa badyet ng Russian Federation, pati na sa pangkalahatang trend ng euro sa internasyonal na market pampinansyal.

USD/CAD

Halaga ng 1 US dollar
sa Canadian dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/CAD chart ang kasalukuyang halaga ng Canadian dollar laban US dollar sa mga market pampinansyal.

Nagsisimula ang pinakamalalakas na pagtaas-baba paglipas ng 12:00 pm UTC, kapag nagbukas ang mga American exchange. Bukod pa sa macro economy ng US, malaki din ang impluwensya sa rate ng mga presyo ng langis at data ng mga reserba sa daigdig. Kapag bumaba ang halaga ng langis, susundan ito ng Canadian dollar, at sa kabaligtaran, tataas ang USD/CAD chart.

EUR/CHF

Halaga ng 1 euro
sa Swiss franc

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/CHF chart ang kasalukuyang halaga ng mga euro laban sa Swiss franc sa mga market pampinansyal.

Ang pares ay isang cross-rate may kaugnayan sa EUR/USD at USD/CHF. Bagaman hindi kasama ang US dollar sa cross-rate, malaki ang impluwensya rito ng mahahalagang balitang pang-ekonomiya sa USA. Dapat kang maingat na magtuon ng pansin sa halaga ng Pederal na pondo, pagbabago sa GDP, mga Nonfarm Payroll, mga pag-uulat ng kawalan ng trabaho (jobless claims), atbp. Tandaang maaaring iba ang maging tugon ng euro at franc sa mga indicator na ito. Kung gayon, ang pinagsamang pares na EUR/CHF ay gumaganap na indicator ng mga pagbabago sa mga halaga ng palitan ng bawat isa sa mga currency na ito.

EUR/JPY

Halaga ng 1 euro
sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/JPY chart ang kasalukuyang halaga ng mga euro laban sa Japanese yen sa mga market pampinansyal.

Ang pares sa currency na EUR/JPY ay isa cross-rate na bumubuo sa EURUSD/ USDCHF ratio. Bagaman hindi kasama ang US dollar (USD) sa cross rate, may mahalagang epekto sa quote para sa pares na ito ang US data gaya ng mga sumusunod: ang pagpapasya sa interest rate, pagbabago sa GDP, kawalan ng trabaho at bilang ng mga bagongnon-farm na trabaho. Dapat ding bantayan ang mga balita mula sa Europe at Japan.

AUD/CAD

Halaga ng 1 Australian dollar
sa Canadian dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng AUD/CAD chart ang kasalukuyang halaga ng Canadian dollar laban sa Australian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Binubuo ang isang pares ng dalawang currency ng commodity na dumedepende sa mga ekonomiya ng Australia at Canada. Ang AUD/CAD ay isang cross-rate laban sa US dollar, na malinaw na hindi bahagi ng pares, pero may malaking impluwensya rito.

Kapag humuhula ng isang chart ng presyo, pagtuunan ng pansin ang mga presyo sa buong mundo para sa mga raw material at mga produktong agrikultural, pati na rin ang mga indicator sa ekonomiya ng US at ang kilos ng mga instrumento sa pag-trade gaya ng EUR / USD, GBP / USD at USD / JPY, na mga indicator sa sarili nilang paraan ng presyo ng pares ng currency na AUD / CAD.

AUD/CHF

Halaga ng 1 Australian dollar sa Swiss franc

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng AUD/CAD chart ang kasalukuyang halaga ng Swiss franc laban sa Australian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Binubuo ang isang pares ng dalawang currency ng commodity na dumedepende sa mga ekonomiya ng Australia at Canada.

Ang AUD/CHF ay isang cross exchange rate laban sa US dollar, na may malaking impluwensya sa pares.

Itinuturing na malaki ang kita na currency ng commodity ang Australian dollar, habang ang Swiss franc naman ay itinuturing na mababa ang kita, high-tech na currency at isa sa pinakamaaasahan sa mundo. Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa halaga ng palitan ng AUD/CHF ay ang pagkakaiba sa mga interest rate ng mga pambansang bangko ng Australia at Switzerland.

AUD/JPY

Halaga ng 1 Australian dollar sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng AUD/JPY chart ang kasalukuyang halaga ng Japanese yen laban sa Australian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Binubuo ang pares ng commodity na mataas ang kita na Australian dollar at mababa ang kitang high-tech na Japanese yen. Isa itong cross rate laban sa US dollar.

Batay ang pag-trade sa AUD / JPY sa pagkakaiba sa mga halaga ng palitan ng Bangko ng Australia at Japan. Dapat ding bantayan ang mga pagbaba-taas sa mga presyo ng mga raw material, lagay ng panahon, at ang pangkalahatang trend sa market ng currency.

AUD/NZD

Halaga ng 1 Australian dollar sa New Zealand dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng chart ng AUD/NZD ang kasalukuyang halaga ng mga New Zealand dollar laban sa Australian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang AUD / NZD ay isang cross rate laban sa halaga ng palitan ng US dollar at binubuo ito ng dalawang currency ng commodity. Sapat ang tatag ng pares ng currency; may epekto sa halaga ng palitan ang mga ekonomiya ng Australia, New Zealand at United States.

Itinuturing ang asset na lubhang liquid dahil sa heograpikal na pagiging malapit at malapit na ugnayan pang-ekonomiya sa pagitan ng Australia at New Zealand.

CAD/CHF

Halaga ng 1 Canadian dollar sa Swiss franc

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng CAD/CHF chart ang kasalukuyang halaga ng Canadian dollar laban sa Swiss franc sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang pares ng currency ay isang cross rate laban sa US dollar. Ang pagkakaiba sa mga interest rate ng mga bangko sentral ng Canada at Switzerland, mga salik na nakakaapekto sa mga ekonomiya ng bawat kasaling bansa, at ang halaga ng palitan ng bawat currency laban sa US dollar ay may malakas na epekto sa pagbabago sa CAD / CHF. Pangkalahatan nang nakadepende ang ekonomiya ng Canada sa halaga ng langis at mga raw material at sa pag-trade sa United States. Nakadepende ang ekonomiya ng Switzerland sa papasok na daloy ng panlabas na kapital at mga ugnayan sa pag-trade sa European Union at United States.

CAD/JPY

Halaga ng 1 Canadian dollar sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng CAD/JPY chart ang kasalukuyang halaga ng Canadian dollar laban sa Japanese sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang pares ay isang cross rate laban sa US dollar. May pantay na impluwensya ang US dollar sa Australian dollar at sa Japanese yen. Kapag humuhula ng pagbabago sa presyo ng asset, magbigay ng pansin sa pinakamahahalagang indicator ng ekonomiya ng US: interest rate, GDP at kawalan ng trabaho, paggawa ng bagong trabaho, at iba pa.

Ang malalaking paggalaw sa presyo ng CAD / JPY ay nangyayari pagkatapos ng pagbabago sa mga pandaigdig na presyo ng langis, na may pantay na epekto sa pares. Ang kapansin-pansing pagtaas sa trend ng asset ay maaaring makita kung magiging mas mahal ang langis, kapag tumaas ang halaga ng Canadian dollar at bumagsak ang halaga ng Japanese yen.

СHF/JPY

The cost of 1 Swiss franc in Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Monday — Friday
21:00 — 20:59 UTC

The СHF/JPY chart indicates the current cost of Swiss francs against the Japanese yen on the foreign exchange market.

The main factors affecting the asset are the difference in interest rates in Japan and Switzerland and the trend on the global currency market. CHF/JPY is a cross-rate against the US dollar, and thus the pair also depends on the behavior of the USD. The asset is also considered to be sensitive to various world political and economic events.

EUR/AUD

Halaga ng 1 euro sa Australian dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Isinasaad ng chart ng EUR/AUD ang kasalukuyang halaga ng mga euro laban sa Australian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang pares ay cross-rate may kaugnayan sa US dollar. Ang pangunahing salik na nakakaapekto sa galaw ng chart ng presyo ng asset ay batay sa pagkakaiba sa mga interest rate sa pagitan ng EU at Australia, sa pangkalahatang trend sa pandaigdig na panlabas na market ng palitan ng pera, sa halaga ng mga commodity at produktong pang-consumer, at sa kalagayan ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Ang mga indicator ng ekonomiya ng European Union at ng Australia ay itinuturing na tuloy-tuloy na sumusulong, pero umaasa ang EU sa industriya at sa sektor ng serbisyo, at umaasa naman ang Australia sa natural na resources at mga produktong pang-agrikultura.

EUR/CAD

Halaga ng 1 euro sa Canada dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/CAD chart ang kasalukuyang halaga ng euro laban sa Canadian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang pares ay isang cross-rate may kaugnayan sa US dollar. Ang galaw ng chart ng presyo ng CAD / JPY ay direktang nagpapakita sa kalagayan ng mga ekonomiya ng dalawang bansa at ng United States. Kapag hinuhulaan ang mga quote ng EUR / CAD, una sa lahat, magtuon ng pansin sa mga pangunahing presyo ng langis na krudo at commodity.

EUR/GBP

Halaga ng 1 euro sa pound sterling

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/GBP chart ang kasalukuyang halaga ng mga euro laban sa pound sterling sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang EUR/GBP ay isang pares ng dalawang European na currency, na kung saan ang halaga ng palitan ay nakadepende sa pagkakaiba sa mga interest rate sa EU at UK, sa pangkalahatang trend sa pandaigdig na panlabas na market ng palitan ng pera, at sa pulitikal na sitwasyon sa Europe. Ang pares ay isang cross rate laban sa US dollar, na mayroon ding epekto sa mga pag-quote dito.

Mataas ang demand sa Western Europe sa napaka-liquid na tool na ito sa pag-trade, dahil pinagsama nito ang dalawang pinakapopular na currency sa mundo.

EUR/NZD

Halaga ng 1 euro sa New Zealand dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng EUR/NZD chart ang kasalukuyang halaga ng mga euro laban sa New Zealand dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Isa itong cross-rate laban sa US dollar. Ang halaga ng palitan ng pares ay pangunahin nang apektado ng pagkakaiba ng interest rate sa pagitan ng mga bangko ng EU at New Zealand, halaga ng pagkain at mga raw material, pangkalahatang sitwasyon sa pandaigdig na market pampinansyal, at mga pangunahing indicator pang-ekonomiya sa US. Kapag humuhula ng mga galaw ng presyo ng asset, una sa lahat, magtuon ng pansin sa pagbabago sa halaga ng US dollar, na may pantay epekto sa euro at sa New Zealand dollar.

GBP/AUD

Halaga ng 1 pound sterling sa Australian dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng GBP/AUD chart ang kasalukuyang halaga ng pound sterling laban sa Australian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang GBP/AUD ay isang cross rate laban sa US dollar. Kapag humuhula sa pares, magtuon ng pansin sa halaga ng palitan ng US dollar. Bagaman may malaking impluwensya ang US dollar sa dalawang currency sa pares, maaaring magkaiba ang maging tugon ng mga ito sa pagbabago sa halaga ng palitan. Ang pound sterling at Australian dollar ay isa sa pinakamatatatag na currency sa pandaigdig na market, at ang pares na GBP/AUD ay napakapopular sa Europe, lalo na sa Great Britain.

GBP/CAD

Halaga ng 1 pound sterling sa Canadian dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng GBP/CAD chart ang kasalukuyang halaga ng pound sterling laban sa Canadian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang pares na ito ay isa sa pinakamaaasahang currency sa daigdig. Ang GBP / CAD ay medyo popular sa panlabas na market sa palitan ng pera dahil sa mataas na volume ng negosyo sa pagitan ng Canada at United Kingdom. Itinuturing ang pares ng currency na isa sa mga pinaka-volatile na asset - ang galaw nito sa isang sesyon sa pag-trade ay maaaring lumampas sa ilang daang puntos. Ang pinakamataas na aktibidad ay napansin sa ganap na 8:00 pm UTC, kapag bukas ang London Stock Exchange.

GBP/CHF

Halaga ng 1 pound sterling sa Swiss franc

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng GBP/CHF chart ang kasalukuyang halaga ng pound sterling laban sa Swiss franc sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Isa ito sa mga pinakapopular na tool sa market dahil binubuo ito ng dalawang pinakamatatag na currency sa mundo. May epekto sa galaw ng asset ang mga pandaigdig na kaganapan at dagok, pagkakaiba ng interest rate sa pagitan ng United Kingdom at Switzerland, at ang pangkalahatang trend sa internasyonal na market.

GBP/JPY

Halaga ng 1 pound sterling sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng GBP/JPY chart ang kasalukuyang halaga ng pound sterling laban sa Japanese yen sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Isa ito sa mga pinaka-volatile na pares ng currency: Direktang apektado ang halaga ng palitan nito ng mga balitang pang-ekonomiya sa United Kingdom at Japan. Ang pares ay hindi gaanong apektado ng mga sitwasyon sa ekonomiya sa dalawang bansa. Ang exception ay ang pagtaas sa limit ng yen ng Bank of Japan dahil sa mga posibleng intervention.

GBP/NZD

Halaga ng 1 pound sterling sa New Zealand dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng GBP/NZD chart ang kasalukuyang halaga ng pound sterling laban sa New Zealand dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Isa itong cross-rate laban sa US dollar, na may malaki-laki at pantay na epekto sa British pound at sa New Zealand dollar.

Kapag humuhula sa pares, magtuon ng pansin sa performance ng ekonomiya ng United States at sa mga partikular na impormasyon sa ekonomiya ng New Zealand, partikular na ang data sa produksyon ng wool at mga produktong wool. Ang data sa ekonomiya ng bawat bansa, rate ng kawalan ng trabaho at interest rate ay mahahalagang indicator ng galaw ng interest rate.

NZD/CAD

Halaga ng 1 New Zealand dollar sa Canadian dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng NZD/CAD chart ang kasalukuyang halaga ng New Zealand dollar laban sa Canadian dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Isa itong pares ng commodity, na ang halaga ng palitan ay pangunahin nang nakadepende sa katayuan ng mga ekonomiya ng Canada at New Zealand, at ng kanilang mga partner sa pag-trade - ang US, Australia at mga bansa sa Asia-Pacific. Bilang karagdagan, dapat isaalang-alang ang mga aspekto ng ekonomiya ng New Zealand - ang GDP, interest rate, mga ugnayan sa pag-trade sa mga partner, data sa produksyon ng wool at mga produktong wool.

Ang NZD / CAD ay isang cross-rate may kaugnayan sa US dollar, kaya kapag hinuhulaan ang mga galaw ng presyo, ang isang trader ay dapat magtuon ng pansin sa halaga ng palitan ng US dollar at ang mga batayang indicator sa ekonomiya ng US.

NZD/CHF

Halaga ng 1 New Zealand dollar sa Swiss franc

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng NZD/CHF chart ang kasalukuyang halaga ng New Zealand dollar laban sa Swiss franc sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang mga paggalaw sa halaga ng palitan ng pares ng currency ay nakadepende sa ekonomiyang pang-agrikultura ng New Zealand, partikular na sa mga pagbabago sa presyo sa mga market ng kahoy, gatas at wool. Bilang karagdagan, lubhang nakadepende ang ekonomiya ng New Zealand sa mga pangunahing partner nito sa pag-trade - ang US, Australia at mga bansa sa Asia-Pacific.

Lubhang pinagkakatiwalaan ang Swiss franc sa buong mundo bilang isa sa mga pinakamaaasahang currency. Sa panahon ng krisis, ang Swiss franc ang pinagkakatiwalaan ng mga capital investor.

Ang pares ay isang cross rate laban sa US dollar, na mayroon sapat na impluwensya rito.

NZD/JPY

Halaga ng 1 New Zealand dollar sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng NZD/JPY chart ang kasalukuyang halaga ng New Zealand dollar laban sa Japanese yen sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang mga pangunahing salik na nakakaapekto sa halaga ng palitan ng pares ay ang pagkakaiba sa mga interest rate sa New Zealand at Japan, ang pangkalahatang trend sa pandaigdig na market at demand para sa mga mineral. Kapag humuhula para sa pares ng currency, magtuon ng pansin sa mga aspekto ng ekonomiya ng New Zealand, sa antas ng pag-trade sa ibang bansa, at sa mga batayang indicator ng ekonomiya ng ka-partner na bansa sa pag-trade - ang US, Australia at mga bansa sa Asia-Pacific.

Ang pares ay isang cross rate laban sa US dollar, na may sapat na impluwensya rito.

NZD/USD

Halaga ng 1 New Zealand dollar sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng NZD/USD chart ang kasalukuyang halaga ng mga New Zealand dollar laban sa US dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Ang pares ng currency na ito at ang pares na AUD / USD na nauugnay rito ay lubhang naiimpluwensyahan ng presyo ng mga metal at ng mga kondisyon ng lagay ng panahon. Bilang panuntunan, bababa ang halaga ng NZD / USD kung babagsak ang presyo ng mga metal at lalala ang mga kondisyon ng lagay ng panahon, at tataas ang rate sa pagtaas ng presyo ng mga metal, pero dito, halos walang epekto sa asset ang mga kondisyon ng lagay ng panahon.

USD/SGD

Halaga ng 1 US dollar sa Singapore dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/SGD chart ang kasalukuyang halaga ng US dollar laban sa Singapore dollar sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Inuuri ito bilang isa sa mga tinatawag na exotic na pares ng currency; kasama rito ang pangunahing currency sa mundo - ang US dollar at ang currency ng isa sa mga papaunlad na ekonomiya. Singapore dollar ang opisyal na currency sa Republic of Singapore, na ang ekonomiya ay nakatuon sa pag-export at pagbuo ng teknolohiya, mga elektronikong pang-consumer, mga pharmaceutical at mga serbisyong pampinansyal; isa ang GDP per capita nito sa pinakamataas sa mundo.

USD/MXN

Halaga ng 1 US dollar sa Mexican peso

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/MXN chart ang kasalukuyang halaga ng US dollar laban sa Mexican peso sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Kumikilos ang US dollar bilang batayang currency sa pares na ito, kaya maaaring malaki ang maging epekto sa mga quote para sa pares ng currency ng mahahalagang balitang pang-ekonomiya sa United States. Dapat magtuon ng partikular na pansin sa data ng interest rate, mga pagbabago sa GDP, antas ng kawalan ng trabaho, at dami ng mga bagong trabahong non-farm.

Ang pares ng currency na ito ay paboritong tool ng maraming trader sa America, Canada, Mexico at Latin America. Ang isa sa mga dahilan ng pagiging popular na ito ay ang mataas na pagiging volatile ng mga quote. Kaya, sa average, dalawang beses na mas gumagalaw ang chart kumpara sa tradisyonal na pares.

USD/NOK

Halaga ng 1 US dollar sa Norwegian krone

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/NOK chart ang kasalukuyang halaga ng US dollar laban sa Norwegian krone sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Kumikilos ang US dollar bilang batayang currency sa pares na ito, kaya maaaring malaki ang maging epekto sa mga quote para sa pares ng currency ng mahahalagang balitang pang-ekonomiya sa United States. Dapat magtuon ng partikular na pansin sa desisyon sa data ng interest rate ng regulator sa US, data sa antas ng pag-unlad ng ekonomiya, antas ng kawalan ng trabaho, at dami ng mga bagong trabahong non-farm.

Kumikilos ang Norwegian krone bilang nako-convert na currency sa pares na ito. Inuuri ang Norwegian krone bilang isang currency ng commodity at dumedeoende sa presyo ng krudong langis.

USD/CLP

Halaga ng 1 US dollar sa Chilean peso

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Linggo
11:30 am — 4:59 pm UTC

Ipinapakita ng USD/CLP chart ang kasalukuyang halaga ng US dollar laban sa Chilean peso sa panlabas na market ng palitan ng pera.

Umuunlad sa Chile ang mga industriya ng pagmimina at pagkain, market ng real estate, konstruksyon ng residensyal na gusali, turismo at industriya sa pagproseso ng kahoy. Isa ang ekonomiya ng bansa sa mga pinakamabilis lumago at umunlad sa rehiyon. Ang taunang rate ng pag-unlad ng GDP ay 7%, at ang average rate ng implasyon ay 2.5%. Sa pangkalahatan, gumaganap ng tiyak na tungkulin ang currency ng Chile sa mga market sa mundo at itinuturing na medyo matatag.

USD/TRY

Halaga ng 1 US dollar
sa Turkish lira

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
12:00 am GMT+3 — 11:59 pm GMT+3

Ipinapakita ng chart ng currency na USD/TRY kung ano ang kasalukuyang halaga ng 1 US dollar may kinalaman sa Turkish lire sa market ng currency.

Nagsisimula ang pinakamalalakas na galaw paglipas ng 3:00 pm GMT+3, kapag nagbukas ang mga American stock exchange. Dapat asahan ang pangunahing pagiging volatile sa oras kung kailan inilalabas ang mga balita sa ekonomiya ng America, na inilathala sa kalendaryong pang-ekonomiya na may tatlong “bull heads.” Inirerekomenda rin namin ang pagbibigay ng pansin sa sitwasyong geopolitical sa Turkey at sa mga balita sa sektor ng turismo ng bansa.

Mga Commodity

Ginto (XAU/USD)

Halaga ng 1 troy ounce ng ginto
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng chart ang kasalukuyang halaga ng ginto sa bawat 1 troy ounce sa US dollar.

Dapat mong tandaang magiging dahilan ng pagtaas ng presyo ng ginto ang matitinding sakuna, digmaan, pag-atake ng terorista, o baha. Karagdagan pa, may malakas na impluwensya sa mga quote sa «yellow metal» ang mga balita sa US, kasama ang Federal Funds rate, antas ng kawalan ng trabaho o GDP. Bago magbukas ng trade, magtuon ng pansin sa mga ulat mula sa mga kumpanya ng minahan ng ginto, sa mga reserba ng ginto ng US, at sa AUD/USD rate. Ang Australia ang nangunguna sa pagmimina ng ginto, kaya mahalaga ang koneksyon sa pagitan ng dalawang ito.

Silver (XAG/USD)

Halaga ng 1 troy ounce ng pilak
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng chart ang kasalukuyang halaga ng 1 troy ounce ng pilak sa US dollar.

Naiimpluwensyahan ang presyo ng pilak ng mga ekonomiya ng mga bansang pangunahing consumer nito gaya ng USA, Great Britain, Australia at Japan. Ang pagtaas sa GDP at implasyon ay nakakaimpluwensya sa pagtaas ng quote.

BRENT

Halaga ng 1 bariles ng
Brent crude sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng chart ang kasalukuyang halaga ng 1 bariles ng krudo sa US dollar.

Ang Brent ay ang benchmark oil grade na kinukuha sa North Sea. Nagsisimula sa 12:00 pm UTC ang pinakaaktibong oras, kapag nagsimula ang sesyon ng America, at nagpapatuloy hanggang 10:00 pm UTC. Maaaring biglaang magbago ang mga halaga ng palitan sa oras na ilabas ang mga istatistika ng US (sa 12:30 pm UTC). Tandaan, kapag tumaas ang presyo ng Brent, kadalasang bumababa ang mga chart ng USD/RUB at USD/CAD.

Natural gas(NG)

Halaga ng 1 dekatherm ng natural na gas sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
9:00 pm — 8:59 pm UTC

Ipinapakita ng quote sa tool na ito ang kasalukuyang halaga ng 1 dekatherm (Mmbtu) ng natural na gas laban sa US dollar sa market ng mga commodity.

Nakadepende ang presyo ng natural na gas sa lagay ng panahon, mga demograpiko, pag-unlad ng ekonomiyang, kumpetisyon sa fuel market, dami ng mga imbentaryo sa imbakan, pati na ang pag-export at pag-import. Batay sa iba’t ibang impluwensyang ito, hindi nakakapagtakang talagang volatile ang NG chart. Dapat ding isaalang-alang ang mga balitang nilathala sa kalendaryong pang-ekonomiya ng US.

COPPER

Halaga ng 1 pound ng tanso sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
11:05 pm — 10:00 pm UTC

Ipinapakita ng chart sa tool na ito ang kasalukuyang halaga ng 1 pound ng tanso laban sa US dollar sa market ng mga metal.

Talagang napaka-volatile ng asset na ito. Tandaang babagsak ang mga quote sa metal kasama ng buong market kung babagsak ang mga market ng commodity. Hindi isang depensibong asset ang tanso.

PLATINUM

Halaga ng 1 troy ounce ng platinum sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
11:05 pm — 10:00 pm UTC

Ipinapakita ng chart sa tool na ito ang kasalukuyang halaga ng isang troy ounce ng Platinum laban sa US dollar sa market ng mga metal.

Isang depensibong metal ang Platinum, kaya hindi ganoon kalaki ang pagbagsak sa presyo nito kumpara sa ibang asset kapag may pagbaba ng halaga sa mga market ng commodity. Kapag humuhula sa galaw ng presyo ng asset, magtuon ng pansin sa demand para sa alahas at sa impormasyon tungkol sa malalaking investment sa mga medikal na pagsulong.

Mga Stock

AAPL (Apple Inc)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Ang kumpanya ay nangunguna sa consumer electronics at may rank na nangunguna sa daigdig sa pamumuhunan. Ang kumpanya ay bumubuo, gumagawa at nagbebenta ng mga produktong computer, mga desktop computer, notebook, tablet, smart phone, audio player, telepono at software. Kapag gumagawa ng mga desisyon sa pag-trade, sundan ang mga balitang pangkorporasyon at ang sitwasyon sa industriya sa kabuuan. Ang mga rating ng kumpanya na inilathala ng mga pangunahing ahensya gaya ng Standard & Poor ay may malaking epekto sa pagtaas-baba sa mga halaga ng share.

BA (Boeing Co)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Aircraft corporation, isa ito sa mga nangungunang manufacturer ng aircraft, aerospace, at teknolohiya sa depensa. Ang mga pasilidad sa produksyon ay nasa California, Washington, at Missouri, pati na sa 67 buong mundo sa buong mundo. May malaking impluwensya ang mga ranking na inilathala ng mga pangunahing ahensya sa mga share ng Boeing, dahil kasama ang mga security sa pagkalkula ng mga index ng S&P 500 at ng Dow Jones Industrial Average.

FB (Facebook Inc)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Ang American na kumpanya sa Internet na namamahala sa pinakamalaking social network sa mundo, ang Facebook. Nasa negosyo rin ito ng pag-a-advertise at bumubuo ng software, mga web application, at mga produktong media. Pagmamay-ari nito ang Face.com (teknolohiya ng pagkilala ng mukha), at Instagram. Ang net na kita ng kumpanya ay patuloy na lumalaki na humigit-kumulang $700 milyon bawat quarter (ito ay humigit-kumulang +$0.54 bawat share).

GOOGL (Google Inc)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Ang American na kumpanya sa Internet na namamahala sa pinakamalaking social network sa mundo at nasa negosyong pag-a-advertise, email at pagbibigay ng serbisyong pansuporta sa at panlipunan. Bumubuo rin ito ng mga browser, application na multimedia at teknolohiya sa pag-access sa network. Pagmamay-ari ng kumpanya ang mga produktong gaya ng Google search engine, Gmail email service, YouTube, Blogger at Orkut, mga Google+ social project at Google Buzz, Google Chrome browser, mga serbisyo ng Picasa at Hangouts, at mga operating system na Android at Google Chrome OS.

IBM (IBM Corp)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Isang Internasyonal na high-tech na korporasyon, isa sa pinakamalalaking developer at producer ng software, mga serbisyo at pagkonsulta sa IT. Nagbibigay ito ng pagkonsulta, bumubuo ng mga operating system, namamahala ng mga database, at computer equipment. Ang ranking ng mga ahensya (gaya ng Standard & Poor's) ay may malaking epekto sa pagtaas-baba ng presyo ng share; kasama ang IBM stock sa S&P 500 at sa Dow Jones Industrial Average.

TSLA (Tesla Motors Inc)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Isang American na manufacturer ng matataas ang kalidad na sasakyang de-koryente. Aktibong sinusuportahan ng Presidente ng US ang kumpanya, dahil naniniwala itong inobatibo ang kumpanya may kinalaman sa usaping pangkapaligiran. Naiimpluwensyahan din ang pagtaas ng presyo ng pagbuo ng chain ng mga estasyon para sa pagcha-charge ng Tesla Motors, na nakakapag-ambag sa pagiging kilala ng mga sasakyan nito. Kung mas marami silang maibebenta, mas tataas ang halaga ng mga security ng kumpanya. Mayroon ding mahalagang epekto ang mga quarterly na ulat ng kumpanya sa mga pagtaas-baba ng presyo.

KO (The Coca-Cola Co)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Isa sa pinakamalalaking korporasyon sa US sa industriya ng pagkain. Kasama sa mga aktibidad ng kumpanya ang paggawa ng mga concentrate, syrup para sa industriya ng pagkain at mga ready-made na soft drink (mga soda, mineral water, juice, nakaboteng tubig). Ang stock ngCoca-Cola ay kasama sa DJIA at S&P 500. Ang ranking ng kumpanya sa mga pangunahing ahensya ay may malaking impluwensya sa pagtaas-baba ng presyo ng share.

MSFT (Microsoft Corp)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Isa sa pinakamalalaking kumpanyang gumagawa ng software ng computer, mga console ng laro, mga PDA at mga mobile phone. Ang Microsoft ang developer ng Windows, ang pinakapopular na operating system, mga console ng video game na Xbox, mga accessory at ng sarili nitong tablet computer — tinatawag na Surface. Ang halaga ng share ay kadalasan nang nasa range na $20–30, na tamang-tama para sa pangmatagalang pag-trade (mga 1 oras na trade o mas matagal). Tinutukoy ang anumang pagbabago ng pangkalahatang sitwasyon sa market.

MCD (McDonald's Corp)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Ang pinakamalaking fast-food chain sa mundo. Sa nakalipas na ilang taon, aktibo nitong pinalalawak ang proyekto nitong McCafé. Nagbebenta ang mga McDonald's restaurant ng beer sa karamihan ng mga bansa. Halos 100% ng stock ng McDonald malayang tini-trade. Ang pagtaas-baba sa presyo ay naaapektuhan ng ranking ng MCD sa at ng S&P 500 at Dow Jones Industrial Average.

V (Visa Inc)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Isa sa mga nangungunang multinasyonal na kumpanya ng pagpoproseso ng bayad. Ang taunang turnover ng mga Visa card ay halos $5 trilyon, at tinatanggap ang mga card para sa pagbabayad sa mga retail outlet sa mahigit 200 bansa. Simula 2013, isinama ang mga share nito sa S&P 500 at Dow Jones value, kaya may epekto sa mga ang quote.

SBUX (Starbucks Corp)

Halaga ng 1 share
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:30 pm — 7:55 pm UTC

Ang pinakamalaking chain ng mga coffee shop at outlet ng pag-retail ng kape sa mundo. Bukod pa sa negosyong restaurant, sa pamamagitan ng Starbucks Entertainment at Hear Music, namamahagi rin ang kumpanya ng mga libro, musika, at video ng pelikula. Karamihan sa mga produktong ito ay pana-panahon lang o inilalabas lang para isang partikular na rehiyon. Ibinibenta rin ang may brand na ice cream at kapeng na-pack ng Starbucks sa mga supermarket sa buong mundo. Bago magbukas ng trade, magtuon ng pansin sa mga ulat ng kumpanya, at sa sitwasyon sa mga market ng kape, gatas at asukal: kung mas mahal ang mga produktong ito, mas mababa ang net na kita ng Starbucks, at mas mababa ang chart ng presyo.

BMW

Halaga ng 1 share sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
7:00 am — 3:35 pm UTC

Manufacturer ito ng mga automobile, motorsiklo, makina ng sasakyan, at sasakyan at motorsiklong de-koryente. Nakatuon ang mga pangunahing benta sa mga segment na mas mataas sa average at premium. Ang bahagi ng kumpanya sa pangglobong car market ay humigit-kumulang 2.5%.

Ang mga pangunahing kakumpitensya ay Mercedes Benz, Audi at Lexus. Sa huling bahagi ng 2015, nag-rank ang BMW na pang-11 sa rating ng mga pinakamahalagang brand sa mundo.

Nintendo

Halaga ng 1 share sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
12:00 am — 2:35 am UTC
3:30 am — 5:55 am UTC

Ang Nintendo ay isang kumpanya mula sa Japan na gumagawa ng mga video console at laro sa computer. Ang pinakasikat sa mga ito ay ang mga serye ng Super Mario at Pokemon. Noong Hulyo 6, 2016, lumabas sa market ang application sa mobile entertainment na Pokémon Go, na nakabatay sa Augmented Reality. Sa unang linggo pa lang, nalampasan na ng bilang ng mga pag-download ang pamantayang 50,000,000, at bumulusok pataas ang presyo ng stock ng Nintendo nang 112%.

Nagpaplano ang kumpanyang ipakilala ang na-upgrade na console noong 2017 na inaasahang magiging pangunahing kakumpitensya ng Xbox One at PlayStation 4. Matatag na tumataas ang batayang pangmatagalang trend.

Mga Index

FDAX (DAX)

Halaga ng 1 kontrata
sa mga euro

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
6:05 am — 7:55 pm UTC

Ang pangunahing stock index sa Germany, nasa ilalim ng kontrol ng stock exchange ng bansa na Deutsche Börse. Isa ito sa mga pinakaaktibong index; kaya naman popular ito sa mga trader na mas gusto ang mabilis na pag-trade sa trend. Kaya inirerekomendang magsimula ang oras ng pag-trade sa asset sa 10 minuto.

ES (S & P500)

Halaga ng 1 kontrata
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes
10:05 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 9:00 pm UTC
Martes — Huwebes
10:00 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 9:00 pm UTC
Biyernes
10:00 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 8:59 pm UTC

Kasama sa index ang halaga ng 500 iba’t ibang stock, kaya naman, itinuturing itong nangungunang indicator ng stock market ng US at ng buong ekonomiya ng US. Ang mga S&P 500 quote ay mahigpit na nauugnay sa halaga ng palitan ng dolyar at nakakaapekto sa halaga ng karamihan ng stock na na-trade sa platform ng Olymp Trade.

NQ (NASDAQ 100)

Halaga ng 1 kontrata
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes
10:05 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 9:00 pm UTC
Martes — Huwebes
10:00 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 9:00 pm UTC
Biyernes
10:00 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 8:59 pm UTC

Ang mga quote ng NASDAQ ay naiimpluwensyahan ng halaga ng bawat kumpanya — na na-trade sa NASDAQ stock exchange, na kasama sa index. Dapat ding bantayan ang mga balita sa sektor ng high-tech.

YM (Dow Jones)

Halaga ng 1 kontrata
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes
10:05 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 9:00 pm UTC
Martes — Huwebes
10:00 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 9:00 pm UTC
Biyernes
10:00 pm — 8:15 pm UTC
8:30 pm — 8:59 pm UTC

Ang pinakapopular na index ng America. Kasama rito ang mga security ng 30 malalaking kumpanya, kasama ang Coca-Cola, IBM, McDonald's, Microsoft, Boeing, atbp. Nakakaapekto ang halaga ng mga stock na ito sa mga quote sa katulad na paraan na nagbibigay ng sinyales ang pagtaas ng presyo ng Dow Jones sa paglago ng mga security ng mga kumpanya na kasama rito.

CAC 40

Halaga ng 1 kontrata sa mga euro

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
7:05 am — 8:55 pm UTC

Ito ang pinakamahalagang French stock index at kinakalkula bilang ang tinimbang na average ng halaga ng mga share ng 40 pinakamalalaking kumpanyang nakalista sa Euronext Paris stock exchange. Pinaniniwalaang ang asset ay may mataas na kaugnayan at madalas na bumubuo ng mga matatag na trend.

EURO STOXX 50

Halaga ng 1 share sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
7:05 am — 8:55 pm UTC

Ito ang Eurozone stock index na binubuo ng sample ng 50 kumpanya sa iba't ibang industriya. Ang index ay kinakalkula ng Stoxx Ltd, na pagmamay-ari ng Deutsche Boerse AG at SIX Group AG. Pinaniniwalaang ang asset ay may mataas na kaugnayan at madalas na bumubuo ng mga matatag na trend.

Hang Seng Index

Halaga ng 1 kontrata sa Hong Kong dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
1:15 am — 3:55 am UTC
5:30 am — 8:10 am UTC
9:05 am — 3:40 pm UTC

Ito ang pinakamahalagang index sa stock market sa Hong Kong at kinakalkula ito bilang tinimbang na average na capitalization ng 34 na pinakamalalaking kumpanyang nakalista sa bansa. Tumutugon ito sa mga pang-araw-araw na pagbabago sa malalaking kumpanya sa Hong Kong at sa galaw ng market sa pangkalahatan. Inuuri ang tool ayon sa mataas sa pagiging volatile at may tendensya para sa matagal na mga trend.

Nikkei 225

Halaga ng 1 kontrata sa Japanese yen

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
10:30 am — 10:00 am UTC
10:00 pm — 9:15 pm UTC

Isa ito sa pinakamahahalagang index sa Japanese stock at kinakalkula bilang simpleng average ng mga share ng 225 pinakaaktibong na-trade sa unang seksyon na kumpanya ng Tokyo Stock Exchange. Kapag hinuhulaan ang galaw ng chart ng presyo ng asset, tandaan ang tendensya nitong tumaas-baba. Tandaan ding aktibo ang Nikkei 225 sa gabi para sa kontinente ng Europe.

RUSSELL 2000

Halaga ng 1 kontrata sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
10:00 pm — 8:55 pm UTC

Lubusang ipinaaaninag ng asset na ito ang katayuan ng maliit na capitalization sa mga equity market sa US at isa ito sa mga mahahalagang pamantayan sa pagsusuri sa mga stock nito. Dinisenyo ang index para subaybayan ang mga transaksyong pampinansyal, pangangalagang pangkalusugan, teknolohiya, mga produktong pang-consumer, at pagpoproseso ng mga materyales. Ito ang pokus ng mga ehekutibo ng pondo ng US. Ang Russell 2000 ay may bahagyang pagiging volatile at may tendensya para sa matagal na mga trend.

FTSE 100

Halaga ng 1 kontrata sa pound sterling

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Biyernes
7:00 am — 3:35 pm UTC

Ito ang nangungunang stock index sa Europe. Batay ito sa mga quote ng 100 kumpanya na may pinakamalaking capitalization sa market mula sa listahan ng London Stock Exchange. Ang FTSE 100 index ang barometer ng tagumpay ng ekonomiya ng UK.

Mga Crypto Asset

Bitcoin

Halaga ng 1 bitcoin
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Bitcoin ang pinakamatagal nang ginagamit at pinaka-liquid na crypto currency na 24/7 na available sa pag-trade. Ang pamumuhunan sa market ng Bitcoin ay mahigit sa $9 bilyon (ang presyo ng lahat ng naiisyung bitcoin). Hindi kinokontrol ng regulasyon ang presyo nito at nakadepende lang sa supply at demand. Kaya naman, posible ang biglaang pagtaas at biglaang pagbagsak.

Ang mga halaga ng Bitcoin quote, gaya ng iba pang cryptocurrency, ay kinakalkula sa pamamagitan ng mga paraang tinanggap ng karamihan na ginagamit sa Chicago Mercantile Exchange. Gumagamit ang Olymp Trade ng data mula sa ilang malalaking online exchange, gaya ng GDAX, Kraken, Poloniex, Bitstamp, Bitfinex, at Binance, iyan ang dahilan kung bakit tumutugon ang Bitcoin sa pinakamaliliit na pagbabago sa aming platform. Para sa mga mas tumpak na kalkulasyon, mayroong tatlong decimal place ang bawat quote.

ETH/USD

Halaga ng 1 Ethereum
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ipinakikita ng chart para sa ETH/USD na pares ng currency kung ilang US dollar (USD) ang kasalukuyang halaga ng isang Ethereum (ETH) sa cryptocurrency market. Ang Ethereum ay isa sa nangungunang 3 cryptocurrency sa kasalukuyang capitalization at pang-araw-araw na dami ng pag-trade. Ito ang isa sa mga pinakamatagal nang ginagamit at may mataas na pagiging liquid na cryptocurrency na 24/7 na available sa pag-trade. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse ng pagpapalitan ng supply at demand, at walang ditong kumokontrol na regulasyon. Kaya naman, posible ang biglaang pagtaas at biglaang pagbagsak. Ang minimum na oras ng pag-trade ay nagsisimula sa 5 minuto.

Ethereum

Halaga ng 1 Ethereum
sa Bitcoin

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ipinakikita ng chart para sa ETH/BTC na pares ng cryptocurrency kung ilang Bitcoin (BTC) ang kasalukuyang halaga ng isang Ethereum (ETH) sa cryptocurrency market. Ang pares ng cryptocurrency ay isang hypothetical na cross rate dahil hindi ito nagsasangkot sa US dollar. Ipinapakita ng asset ang ratio ng mga pinaka-liquid na cryptocurrency — ang Ethereum (ETH) sa Bitcoin (BTC). Sa karamihan ng mga kaso, ang Bitcoin ang magiging currency sa pag-quote, dahil ito ang unang cryptocurrency. Isa pa, Bitcoin ang pinaka-liquid na cryptocurrency na may pinakamataas na kasalukuyang capitalization. Ang Ethereum (ETH) ay ang batayang currency sa pares. Ang minimum na oras ng pag-trade ay nagsisimula sa 5 minuto.

LTC/BTC

Halaga ng 1 Litecoin (LTC)
sa Bitcoin

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ipinakikita ng chart para sa LTC/BTC na pares ng cryptocurrency kung ilang Bitcoin (BTC) ang mga halaga ng isang Litecoin (LTC) sa kasalukuyang cryptocurrency market. Ang Litecoin (LTC) ay isa sa mga pinaka-liquid na cryptocurrency. Isa ito sa nangungunang 10 cryptocurrency sa capitalization at isa sa sampong pinakaaktibong cryptocurrency sa volume ng pag-trade kasunod ng Ethereum (ETH) at Bitcoin (BTC). Ang Litecoin (LTC) ay ang batayang currency sa pares. Ang minimum na tagal ng pag-trade ay nagsisimula sa 15 minuto.

Bitcoin Cash (BCH)

Halaga ng 1 BCH
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Bitcoin Cash ay isang cryptocurrency na nagreresulta mula sa fork (spinoff) mula sa Bitcoin noong Agosto 1, 2017. Sa ngayon, isa ito sa tatlong nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na lumampas sa pamantayang $25 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Bitcoin Gold (BTG)

Halaga ng 1 BTG
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Bitcoin Gold ay isang cryptocurrency na nagreresulta mula sa fork (spinoff) mula sa Bitcoin noong Martes, Oktubre 24, 2017. Sa ngayon, isa ito sa sampong nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na lumampas sa pamantayang $5 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Ripple (XRP)

Halaga ng 1 XRP
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Ripple (XRP) ay isang cryptocurrency na naging batayan para sa platform ng cryptocurrency sa ilang modernong sistema ng pagbabayad. Malawakan itong ginagamit ng mga modernong bangko, kasama ang UBS, Unicredit, atbp., bilang teknolohiya ng settlement infrastructure. Sa ngayon, isa ito sa limang nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na malapit na sa pamantayang $10 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Monero (XMR)

Halaga ng 1 XMR
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Monero (XMR) ay isang cryptocurrency na nakabatay sa mataas na pagiging anonymous ng transaksyon batay sa CryptoNote protocol. Sa ngayon, isa ito sa sampong nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na nakaabot sa pamantayang $3 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Dash (DASH)

Halaga ng 1 DASH
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Dash (DASH) ay isang cryptocurrency na nakabatay sa mataas na pagiging anonymous ng transaksyon at batay sa maraming protocol sa pag-encrypt na sabay-sabay tumatakbo. Sa ngayon, isa ito sa sampong nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na malapit nang umabot sa pamantayang $6 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Zcash (ZEC)

Halaga ng 1 ZEC
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Zcash (ZEC) ay isang open code na cryptocurrency na nagbibigay sa mga user nito ng pagiging anonymous ng transaksyon. Nakikita itong panghalili sa Bitcoin sa hinaharap. Sa ngayon, isa ito sa dalawampong nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na malapit nang umabot sa pamantayang $0.9 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Ethereum Classic (ETC)

Halaga ng 1 ETC
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Ethereum Classic (ETC) ay isang blockchain crypto platform para sa pagbuo ng mga decentralized application batay sa mga smart contract na may code na open source. Nagresulta ito mula sa pagsasanga mula sa Ethereum noong Oktubre 2016. Ang capitalization nito ay maaaring ikumpara sa Monero, kaya madalas itong ika-10 lugar sa mga share na may kabuuang capitalization na humigit-kumulang $3 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.

Litecoin (LTC)

Halaga ng 1 LTC
sa US dollar

Mga oras ng pag-trade
:
Lunes — Sabado
9:00 pm — 8:59 pm UTC
Linggo
9:00 pm — 7:59 pm UTC

Ang Litecoin (LTC) ay ang cryptocurrency na basehan para sa kaparehong sistema ng pagbabayad na pinagkunan ng pangalan nito. Nagresulta ito mula sa pagsasanga mula sa Bitcoin, na naging pangalawang currency pagkatapos ng Namecoin. Sa ngayon, isa ito sa sampong nangungunang cryptocurrency ng capitalization, na lumampas sa pamantayang $5 bilyon. Ang presyo ng currency ay eksklusibong nakadepende sa balanse sa pagitan ng pagpapalitan ng supply at demand at hindi sumasailalim sa anumang regulasyon. Kaya maaari itong bumulusok pataas o pababa.
Ag Pt Cu